Dilemma
May 28, 2008
Nitong nakaraang mga araw ay napapadalas ang aking pakikipagchat kay Darwin at Bobby. Kapwa sila excited na makita akong muli pagkatapos ng dalawang taon. Pareho rin sila ng problema: ang pamasahe papuntang Maynila.
Lubos na nga yata nilang isinuko ang pag-asang makakasakay pa ng barko at hindi na sila nagbalikan sa Maynila. Si Bobby ay noon pang 2003 umuwi ng Davao, samantalang si Darwin nama’y naihatid ko pa sa pier nang nagpasya siyang umuwi na lang muna sa Cebu noong 2006.
Ganito ang dialogue namin ni Darwin nitong huli:
Efren: Uwi ka ba ng Manila?
Darwin: Uwi ba ko?
Efren: Ba’t ako ang tinatanong mo?
Darwin: Alam mo naman ang isasagot ko.
Efren: Which is…?
Darwin: S’yempre gusto ko.
Efren: Saka dapat lang di ba?
Darwin: Oo naman.
Efren: Yun naman pala. Eh di lumuwas ka.
Darwin: Bahala ka na. Alam mo namang kapos pa rin ako. Pero gusto ko talaga magkita tayo.
Ang sumatutal, nagkasundo kaming abonohan ko muna ang kanyang pamasahe. Pag-usapan na rin daw namin sa Maynila ang balak naming pagsasama. Naghihintay pa rin daw siya. Sige lang naman ako nang sige.
Si Bobby naman, ganito rin ang gusto. Hindi raw pwedeng hindi kami magkita. Dini-discourage ko nga siya (ewan kung bakit. Guilt feelings siguro sa asawa niya?), pero lalo lang lalabas ang kakulitan niya.
Bobby: May iba ka na ba?
Efren: Anong iba?
Bobby: Basta magkita tayo. Hanap ako murang tiket. Sensya na, wala pa maganda trabaho eh.
Efren: Si Darwin din daw uuwi.
Bobby: Meron pa ba kayo ni Darwin? Di mo ba namimiss ginagawa natin dati? Ako miss ko pa rin yun.
Nang ungkatin ni Bobby ang masasaya (at maiinit) naming gabi sa condo sa Makati, bigla akong napa-oo.
Iba’t ibang blocking ang naiisip ko. Sa first week siguro si Darwin muna, at sa third week ko na lang paluwasin si Bobby. O kaya, sabay na lang silang lumuwas. Ang isa’y titira sa amin, habang ang isa nama’y ipapakiusap ko muna sa aking kaibigan.
O kaya’y magsama-sama kami sa iisang kwarto. Menage a trois? Kinakati na akong umuwi.
Ellen DeGeneres
May 16, 2008
Katuwa naman itong si Ellen DeGeneres. Kasunod ng balitang pinayagan na ng Korte Suprema ng California ang gay marriage, narito ang kanyang pahayag:
Nakakahawa ang kaligayang nararamdaman ni Ellen, pati na ng kanyang partner na si Portia de Rossi. Ganunpaman, di mo pa rin maiwasan ang magngitngit kapag naisip mong hanggang sa ngayon ay marami pang kailangang gawin ang sangkabaklaan para lubos na kilalanin ang kanilang mga batayang karapatan.
Gay marriage
May 15, 2008
Kababasa ko lang ng balitang Ipinawalambisa ng California Supreme Court ang ban sa gay marriage.
Prominente ang pagkakalagay ng balita sa Yahoo News, ibig sabihin isang malaking balita pa rin ang pakikibakang ito sa bansang tingin ng marami’y liberal kuno. Pero sa totoo lang, napag-iwanan na sila ng The Netherlands, Belgium, Canada, at Spain na kung saan ay pwedeng-pwedeng magpakasal ang lalaki sa lalaki at babae sa babae.
Samantalang sa mga bansang ito nama’y may iba’t ibang antas ng pagkilala sa gay marriage:
- Argentina
- Denmark
- Finland
- France
- Germany
- Iceland
- Luxembourg
- New Zealand
- Norway
- South Africa
- Sweden
- United Kingdom
Ang tanong ngayon, kailan kikilalanin ang karapatang ito sa buong Estado Unidos? Basahin dito ang buong balita.