Hindi sila bakla

April 25, 2008

Luma na ang video sa itaas, pero aliw na aliw pa rin ako sa gimik na ito ni Michael V kahit ilang beses ko na siyang napanood. Magandang pang-aliw, lalo’t sa mga panahon ng aking pangngulila sa labas ng bansa. Galing, bro! Crush na rin kita.

Naalala ko tuloy si Roderick Paulate, na sa aking opinyon ay pinakamagaling na aktor sa pagganap bilang binabae. Meron kayang clips ng mga lumang TV show ni Roderick Paulate, lalo na yung kasama niya si Cynthia Patag? Nag-search ako sa YouTube, pero ito lang ang nakita ko. Maigsi lang ito, pero wagi talaga ang lolah!

Leave a Reply